Pages


Naiirita ako haha. Hindi ko alam kung san ako pupunta ngayon. Wala ako sa mood makipagusap sa tao dahil… naiinis ako na naiirita na nagagalit na ako sa mundo.
Akala ko naka-alis na ako sa quote na ‘Life is unfair’ pero hindi pa pala.
Naiinggit ako, naiinggit ako sa mga kaswertehang nangyare sa mga kabarkada ko nung college. Iba iba ang course nila, iba kasabayan ko lang magstart magtrabaho… pero ang ganda na nang nangyare sa kanila.
Oo alam ko masama mainggit, pero nung kniwento sa akin kanina ng kabarkada / ka grupo ko palagi sa mga groupings, na, na-promote sya to senior programmer sa companyang pinagtratrabahuan nya, natuwa ako para sa kanya. Pero makalipas ng ilang minuto, napagisip isip ko at napagtanto, napakaswerte nyang tao, at ako ay onti onting naiinggit.
Naaalala ko pa nung nagtratrabaho na sya, humihingi sya ng payo dahil palya palya daw ginagawa nya sa trabaho. Nahuhule daw siyang natutulog, laging late. Pero kanina, nagulat siya dahil mineeting sya ng boss nya, at promoted daw siya, effective, sa september. 
Feeling ko, at parang gusto kong ibalik ang panahon. Sana, hindi nalang ako humiwalay sa kanila nung nagaaply pa kame ng trabaho. Parang napupuna ko ngayon, na mas nabibigyan ng ‘credit’ at ‘opportunity’ sa companya nila ang katulad ko, na fresh grad, kumpara sa companyang pinapasukan ko ngayon. Bakit? dahil doon, kahit hindi ka magaling, basta nakita ka nilang nagsisikap, at nagagawa ang pinapagawa, ipropromote ka. Samantalang sa companya kong pinapasukan, kailangan mong buhatin ang sarili mong bangko, para mapromote.
Hindi ko alam kung anong processo ang tama o mali, pero feeling ko, masmaganda ang processo sa kanila, dahil sila na mismo ang nagbibigay ng credit, hindi mo na kailangang ipamukha sa kanila na eto, eto at eto ang ginagawa ko, kaya ipromote nyo ako. 
Naiinis ako, naiirita, halo halong emosyon. Nagbabasa ng kung ano anong libro, pero hindi ko mawaglit sa isipan ko ang pagkainggit na nadarama ko. 
Iniisip ko, tama ba ang desisyon kong pumirma ng contrata sa companya ko ngayon. O simula palang mali na. Maling mali ba talaga ang daang tinahak ko?
Napakaswerte nila, o sadya bang malas lang talaga ako?
Pakiwari ko, hindi na ako magtatagal sa companyang pinapasukan ko ngayon. Pakiramdam ko, isa sa mga darating na buwan na to, ipapasa ko na ang resignation letter na matagal ko nang ginawa.
f*ck!

hindi ko sinasabi ang salitang yan, pero pagsinabi ko yan, ibig sabihin, galit talaga ako, or... naiirita na ako.

ngayon ko lang nalaman, pati pala FB status ko, pinapakialaman na sa trabaho.
pota, nagulat ako, may lumapit sa akin, regarding sa nakaraan kong FB status (na binura ko na rin naman) . pero nakaabot daw sa kanya... at yun lagi ang binabanggit pag kinakausap ako...

eh sa una't sapul pa lang naman, ginawa ko lang naman ung 'status' na un bilang challenge sa sarili. hindi ko naman minura ang aking mga kasama o ang aking trabaho.

pu*(@#!$ ina tlga, gusto kong magmura. naiirita ako. kaya nga ako gumawa ng bagong account, para malinis, sabay ito na naman ang bumabalik.

bigyan talaga nila ako ng 5 buwan pa.. magreresign na talaga ako.. matapos lang itong 'bond' na to. kahit dev ulet mangyare sa akin, basta malipat lang. kahit mag back to zero ako, ok lang.


bwisit na. d na ako natutuwa... 

kung tutuusin, naging katawa tawa tuloy sa mga kabarkada ko ang nangyare sa akin. lagi nilang sinusumbat sa akin ngaun na, ang hilig ko daw kasi mangiwan, ayan, ang arte arte ko daw, pa ayaw ayaw pa daw ako sa dev, tapos dev din pala mababgsakan ko... samantalang sila, mga pangarap nameng trabaho ang nakamit.

tapos ang sahod pa... ni wala ako sa kalingkilan ng sahod nila.. sa una kong trabaho, mejo pwede pa.. angat na angat..


ang dami kong disappointment, sinasabayan pa ng ganito.. naiingit na nga ako sa kanila, dahil mga senior programmer na sila sa ibang kompanya.. tapos ganito pa ... nakakabwisit.
It was a long break from blogging. I've been busy with work till I started hating it.

disclaimer: this is a super rant!

there are many factors why I grew to hate my work.

1.) the programming language. - the programming language is such a simple one. Sap abap, and it is a dialogue programming, meaning, it processes the codes on how they are arranged. Top to bottom. It is so simple but I can't make my self digest it. I am so inclined with java, c, html, shell etc. programming language that a simple programming I can't digest? Wtf.

2.) no social life. - because of the busyness and my push to study the language, I push my limits by extemding work hours, going to office on a weekend and as such. Now even planned gatherings and event, I cannot attend.

3.) they started to criticize my priorities. I don't want to elaborate on this part.

4.) in connection to number 4, friends and some things are getting criticized. Even my personal life is being criticized and I was like. Wtf. So i just keep quiet and shut my mouth.

5.) with all these reasons, i am starting to hate my work, and my self because of my inability to cope with it. I don't know how long I can take it but i am hoping that the day when I can't take anymore of this shits won't arrive.

I have a long patience and never in my life wherein I got so angry... Wish that day won't come. Even simple grumpyness from me can send some people away. Getting scared from me.

posted from Bloggeroid

As much as I wanted it. I can't. I can't reach the moon. To ease my itchyness, I make it up by taking pictures of it, especially at night.


the image doesn't match what the photographer see

That's the only frustration I have with my current phone (gs2). With regards to features, it would win against an ericsson phone, but when it comes to camera and sound quality, it would lose. If I am using my ericsson phone, even if without flash, it would deliver superb quality (showing the brightmoon) but my gs2 can't deliver the same quality, which frustrates me...sadly.

The sky is cloudy, full of bright lights coming from the stars and the moon.

I wish I can fly.

And I wish she sees what I currently see. Staring at the moon. Staring the same thing at the same time.

posted from Bloggeroid

Tinuro lang sa akin ng kabarkada ko kung pano mag 'screen capture' sa gs2 at ang galing.

Na aastigan pa naman ako sa font style na nilagay ko sa phone ko. Ayoko ng masyadong pormal kaya ginawa kong 'absisca' ang font style. Ayon feeling ko nagsusulat lang ako sa papel.

Oh siya. Wala talaga akong masabi. Busy kame ngaun. One with nature ika nga. Walang cellphone, at internet. Dagat lang at mga kalokohan namen.. Namiss ko ang ganitong buhay.

Adios. Sa lunes nalang. Lowbat na ako. Sila na bahala sa pictures.

Ito pala ang sample ng font style ko ngaun.


posted from Bloggeroid