Pages

at ito ako ngayon, nakahiga at nawawala sa kawalan

Sa hindi malaman lamang rason, kanina pa sumasakit ang ulo ko. Naglinis lang naman ako ngayon ng bahay, at hindi pa rin sya tapos. Kwarto ko lamang ang natapos.

Sa sobrang sakit ng ulo ko, natulog na ako kaninang hapon. Paggising, ako:y gutom na gutom, kaso masakit pa rin ang ulo. At ngayun, maslalo siyang sumasakit.

Habang sumasakit ang ulo ko, at nakahiga, bigla kong naalala ang mga masasaklap na nangyare noong hayskul. Naalala ko ng matalo kame sa football championship, ng mapaaway sa jru (karibal na eskwelahan ng institusyong pinapasukan ko), malaglagan ng pera, mag 1-2-3 sa jip, ang mga aksidenteng naranasan, at iba pa.

Bigla akong napaisip. Ang tanda ko na pala. Sana pwedeng lagi na lang akong bata. Nakakamiss ang nakaraan. Maganda ngang may trabaho ka, kumikita ng pera, pero ang tanong 'masaya ka ba?'.

di tulad ng mga bata. Nagagawa nila ang gusto nila, walang iniisip kundi ang kasiyahan. Kahit walang pera at marungis pa, nagagawa pa rin ngumiti at magpakasaya.

posted from Bloggeroid

0 comments:

Post a Comment